Tuesday, August 10, 2010

si Domeng...

kapag tag-ulan...mahirap umuwi....bakit? kasi maraming nagbabaha na daan na nagiging resulta ng trapik na nagiging resulta ng pagka stranded ng mga comuters at ng mga motorista...

eto pa ang isa, pagkatapos ni basyang (na maraming nabigla sa lakas ng hangin na dala nito) eto naman si Domeng ;(

Domeng - isang ganap na bagyo na tumama sa hilagang parte ng Pilipinas na dumapo at nagdala ng pabugso bugsong ulan na nagdulot ng mala-Ondoy na baha sa iba't ibang parte ng Rizal at Mega Manila.

"ay umuulan" sabi ng officemate ko na wari'y pauwi na, ako? nagstay pa...nagbabalak pang magkape sa labas ngunit nakaramdam na kailangan ng umuwi...kasabay kong umuwi Jeirick at TAts, as usual trafick sa C5 uturn hanggang Libis dahil sabi nila baha na nga daw sa parteng papuntang rizal...

"naku, baha nanaman, anong oras nanaman kaya ako makakauwi nito (flashback)

7:00 PM - umalis ng Office (Fort Bonifacio)
8:00 PM - nasa parteng Marcos Highway na (trapik!!!)
9:00 PM - parteng Karangalan na (usad pagong
- sa oras na to, magulo na ang mga linya ng trapiko, maraming ng naglalakad at nakatigil na sasakyan dahil baha.
10:00 PM - nasa banadang Makro na...namimiligro na ang gasolina ko at kailangan ng magpagasolina
10:30 PM - nag u-turn na dahil kailangan ng magpagasolina
- mnagbakasakali na makakadaan sa Sumulong highway, ngunit ako'y nabigo...
10:45 PM - tinawagan ni utol, nasa Tiendesitas daw sila
11:00 PM - minit sina utol...tumambay muna sa Tiende dahil wala kaming dadaanan pauwi
12:00 MN - nagutom, naghanap ng goto...nakarating kami sa Chowking C5
12:30 AM - tinawagan ni Bryan, pwede na daw makadaan sa Ortigas extension, medyo trapik ng lang
1:30 AM - sa WAKAS! nasa bahay na!!!

kailangan bang laging ganto...dati naman kahit gapatak na ulan hindi sobrang nagbabaha east area...sobrang barado na ba ang drainage natin??? grabeh kasi eh